Got home from Begyow!
May 18, 2009 || 26 CommentsMore photos here: [link]
Aside from my two previous posts, I rarely speak Tagalog in Blogspot. But due to my "hullabaloo" to tell you my Baguio trip, I will make another exception.
Hell yeah! Sobrang gusto ko na ang Baguio. Oo na, overrated ako pero talagang na-attach na ako doon. It's freezing cold there lalo na pag gabi. I'm missing it already. And the place, well, nasa bundok nga sya. Doon kame nagstay sa may upper part kaya lageng pababa yung dinadaanan namen para makarating dun sa parang pinaka-center ng Baguio. Steep yung mga kalsada. Para kang lageng nasa roller coaster dahil paakyat at pababa yung mga sasakyan. Wala pa akong nakitang tricycle sa may upper part dahil puro cars lang ang mga andun. Actually, ang pinaka-public utility vehicle nila ay ang FX na ginawang taxi cab. Tinanggal yung upuan sa likod so parang cab talaga sya. Then, sobrang foggy dun. Lalo na dun sa place namen.
So ayun, umalis kame dito sa Manila ng Friday night and arrived there Saturday morning. Pagkababang-pagkababa palang namen ng bus, we already felt yung lamig. As in super na nangangatog yung tuhod ko. Totoo. Di ako nagjjoke. :P So anyway, ayun, tumuloy na nga kame dun sa pagsstay-an namen. No, it was not a transient. Bahay sya nung aunt ng classmate ng tita ko. Oh nagets mo? LOL. Ang ganda nung bahay. Mansion. Haha. Unang pinuntahan namen yung etong resto called Cook's Inn para mag-lunch. Then dumiretso kame sa Camp John Hay Museum. Ang ginawa lang naman namen dun is picture tas picture tas picture. Haha. Mga camwhore kameng magpipinsan. Lol. Then we went straight to Mines View Park. Nothing amusing much except for the full view of mountains of Baguio. Nahilo bigla yung isang pinsan ko nung nakita niya. Haha. Then, from there, we walked to La Trinidad to buy ube jam from The Good Shepherd. I'm actually eating one now. Yummy! *mmmmm* Then, pumunta kame sa Botanical Garden. Naaliw pa nga ako sa mga taong parang nagppicture. Akala ko talaga nagppicture sila. Buti nalang sinabe saken ni Kenneth na mga engineers pala yung mga yon. Haha. Nagsusukat pala sila. I'm so dumb. xD Tapos nun pumunta kame sa Pilak para bumili ng silver jewelries. Ayun, ang nabili ko etong star na earrings. Then, we went to Chowking and kumaen for dinner. Maaga natapos ang sight seeing namen for the first day. Bitin nga e. Buti nalang at niyaya ako ng Tita ko sa ukay-ukay. Sabe nya kase, dito daw ang bagsakan ng mga ukay-ukay. Hindi ako nakabili ng kahit ano kase sobrang gulo dun. AS IN. Lalo na sa palengke. Nakalatag lang sa lamesa yung mga damit tas agawan na. Grabe. Natawa pa nga kame ni Tita nung nagtanong kame sa isang tindera dun kung saan yung ukay-ukay. Tinuro nya samen sabay sabe ng "Dun oh, sa may mga nag-aaway." HAHAHA. Tapos nun, umuwi na kame at nagdaldalan muna kameng magpipinsan. Tumambay na din muna kame dun sa likod ng bahay kase may swing dun. At sobrang lamig. *brrrrr* At dun na nagwakas ang first day namen sa Summer Capital of the Philippines. :)
Then, the next day, maaga kameng nagising to hear mass. At ang tubig, ganun pa din, SOBRANG LAMIG PA DIN. So nagsiligo na kame and off we go to the Cathedral. Mainit sa loob kase madameng tao. And nang matapos na, nagstay muna kame saglit sa labas ng nagpicture picture. Tapos yun, dumiretso kame sa Strawberry Farm na wala namang strawberry. Seriously. Pagkadating namen dun, wala kameng nakitang kulay red sa pinagkalalaki ng green fields. Yun pala, pinitas na daw nila. Edi bumili nalang kame ng strawberries. Actually, marame kameng napamili dun sa Strawberry Farm. Dun kame halos bumili ng pasalubong. Strawberry wine, lengua de gato, sundot kulangot, walis, lychees, seedless grapes, t-shirts, bonnets, bags, keychains, at kung ano ano pa binili namen. Ako bumili ako ng dalawang t-shirt. Yung isa may PMA at yung isa, Baguio City. Tas bumili din ako ng bonnet. At binilhan ko ang mga pinakamamahal kong mga best friends ng mga keychain. Haha. Pasensya na. Yun lang afford ko. Sa dame nyo ba naman e. xD Then ayun, inuwi muna namen yung mga pinamili and headed to Jollibee to eat lunch. Pagkatapos, pumunta na kame sa PMA (Philippine Military Academy). Ang pinaka-aabangang pupuntahan namen ni Louisa. xD Lalo na ako dahil proud Cadet Officer ako nung Senior HS. Haha. Namiss ko bigla ang CAT unit namen nung napadaan kame sa PAF (Philippine Air Force) na lugar. :( Ayun, akala namen ni Wisa may Dave dun. Yun pala wala. Vacation nga pala kase ngayon. Lol. Pero meron naman kameng nakitang konting Bok. Sa katunayan, nagpa-picture pa kame sa kanya. Haha. Tapos nun, umuwi na kame kase pagod na daw si Grandma. And nag-impake na kame and we went sa terminal ng Victory Liner. Katabi ko si Ate Jelyn. Eto pala, may chika ako sa inyo:
Peste yung sa harap namen ni Ate Jelyn. As in silang dalawa, binebend ng sobra yung upuan. E kame, hindi namen ma-bend ni Ate yung upuan namen kase nasa likod namen si Bennett, my 3-year-old cousin. I mean, I hoped they've had some consideration! Hindi lang naman sila ang pasahero sa bus. Sobra talaga yung bend ng upuan nila to the point na naiipit na kame ni Ate. Yun lang talaga ang panira sa buong Baguio trip ko.
So anyway, I had fun in Baguio with my relatives. Bitin pero at least nalasap ko ang saya. :))
Grabe noh. Ang haba na naman neto. Madaldal lang po, sorry na. :D
COMMENTS ARE LOVEEEEEE.
I'll be off to UST tomorrow for my enrolment. Soo excited! :D
<$I18NNumComments$>:
<$CommentPager$>
-
<$I18NCommentAuthorSaid$>
-
- <$BlogCommentDateTime$>
<$BlogCommentDeleteIcon$>
<$CommentPager$>
<$BlogCommentBody$>
<$BlogItemCreate$>
<$BlogItemFeedLinks$>
:
<$BlogItemBacklinkCreate$>
<< Home